Followers

Sunday, April 10, 2011

sa panibago

sa ngayon ay susubukan kong buhayin ang blog na ito.

tulad nang dati. Ang mga salitang di maipahayag nang tuluyan ay dito ko na lamang itutuon
nang sa gayon ay lumuwag ang aking kalooban.


uunahin ko na ang mga gumugulo sa aking isipan..



Nitong nakaraang araw ay binibisita ako nang mga panaginip na noong una'y ni hindi ko maiintindihan.

at sa muling pagbasa ko nang akin libro noong akoy highschool pa ay doon ko naiisip ang mga nais iparating nang akin panaginip.

Hindi ako makapaniwala sa aking mga iniisip.. Na ni minsan ay sasagi ang mga iyon sa kukote nang aking utak.

Nanaginip ako nang tungkol sa aking mga kaibigan. Apat ang pinakang-binigyang pansin nang panaginip ko. Isama nyo na sa bilang ang sarili ko.

Una. Sinasabi sa panaginip ko na isang kaibigan ko ang naghahangad na gawin ko ang isang bagay. Ngunit sa kasamaang palad ay di ko ito natupad. Na lingid naman sa kaalaman ko ay siyang ibinulalas niya sa iba ko pang kaibigan.

Pangalawa. Sinasabi rin sa panaginip ko na takot ang isa kong kaibigan na makagawa nang pagkakamali sa akin.. Hindi ko alam kung bakit sya natatakot at kung bakit nya katatakutang makagawa nang pagkakamali sa akin.

Kung ako lang naman siguro ang tatanungin ay.. . . Maiintindihan ko ang magagawa nyang pagkakamali.. Tutal naman eh matagal narin kaming magkaibigan.

Ako pa (^_^).. hahaha..

at ang pang-huli ay ang ikinatuwa ko sa lahat. Nagkaroon daw nang isang lakad. Na sa di inaasahang pangyayari ay kinailangan kong unahin ang mga personal kong gawain.. Sinabi ko sa kanila na mag-antay sandali..

At ang sandali ay naging minuto, at ang minuto ay naging oras.. Nung ako'y matapos sa aking gawain.

Ay sinubukan kong humabol sa lakad na napag-usapan.. Nalungkot ako nang ako'y walang datnan sa lugar na napag-usapan.. Nag-antay ako.. nag-antay pang muli.. hanggang sa nawalan na ako nang tiyaga.

Napagdisisyunan kong umuwi nalang na medyo malungkot pa.. Siguro nga ay dahil sa hindi ako nakasama sa lakad. Inisip ko nalang din na kasalanan ko rin naman kaya ako ay naiwanan..

Tu-tut.. Tu-tut... (biglang tunog nang cellphone ko)

nang basahin ko ang txt.. ay galing ito sa isang kaibigan..

"Pre, san kana? "...

Ngiti ang sinalubong ko sa txt na iyon..

Ang hindi ko alam.. sila rin pala ay nag-aantay sa aking pagdating . Ang pinagkaiba nga lang.. sa labas nang bahay ko sila nakaabang..

Marahil sa pagmamadali ko kanina ay di ko namalayang nakasalubong ko na pala sila sa daan dahil hinahabol ko ang oras upang pumunta sa lugar na napag-usapan..

Pagkakita ko sa kanila ay agad nila akong sinalubong.. hahahahahaha.

Nakakatuwa..

ang problema nga lang..... nabitin ako sa panaginip ko. dahil nagising na ako..


^_^.. sa ngayon ay iniisip ko pa kung anong ibig sabihin nang mga panaginip na ito....

Ni walang galit na namumuo sa kalooblooban ko. Ni sa kabalunbalunan at atay ko. ^_^


geh po.. hanggang dito nalang muna.. i decode ko muna mga panaginip ko.


at least sa ngayon.. lumuwag na pakiramdam ko.

No comments:

Post a Comment